Archive for March, 2007

Tumawa muna tayo

Padala ito ng isang kaibigan, nawala ang antok ko nang mabasa ko ito. Akala nyo ba mga Chinese lang ang may mga bloopers na ganito?

**Nakasulat sa pader:
“MARUNONG KA BANG TUMAHOL? ASO LANG ANG UMIIHI DITO!”

** along a highway in Pampanga:
“WE MAKE MODERN ANTIQUE FURNITURE”

** in a Baguio grocery:
“FRESH FROZEN CHICKEN SOLD HERE”

** in Cubao:
“NONE ID NOTHING ENTRY”

** on a parking lot:
“TAXI AND OUTSIDE CAR NOT ALLOWED”

** along Luneta Boulevard:
“BAWAL TUMAE SA BULEVARD”

** on Jeepney and Bus signs:
“BEFORE PAY, TELL WHERE GET THE ON BEFORE GET THE OFF”

** on a Flower shop in Rizal Avenue:
“WE SELL ARTIFICIAL FRESH FLOWERS”

** on a delivery truck:
“NOT FOR HERE”

** on window of a restaurant in Baguio:
“WANTED: BOY WAITRESS”

** A grafitti inside the cubicle of a ladies’ C.R. in a university:
“PLEASE DON’T SIT LIKE A FROG, SIT LIKE A QUEEN.”

** At a men’s comfort room, above a urinal:
“HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN”

** at a construction site in Mandaluyong:
“BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG”

** somewhere along San Andres:
“NO URINATING, ON THE OVER WALLS”

** vacant lot near makati ave.:
“DON’T PARKING”

** at an eatery in Cebu:
“WE HAB SOPDRINK IN CAN AND IN BATOL!

 and this is the best of them all!!

* * on a building somewhere in the Philippines…

“NOTARY PUBLIC TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO”*

Advertisements

Comments (5) »

Bagong Hobby?

Opo, may bago po akong pinagkaka-abalahan ngayon….

Ilang araw na din naming binubuno ng kapatid at sister-in-law ko ang paggawa. Gusto kasi naming matapos na. Ang hirap kasing kumuha ng tao na gagawa kaya naisip namin na kung magpipintura lang naman, kaya na namin yon. Saka may alam naman ang kapatid ko sa ganyan dahil iyon ang trabaho (engineer po kasi siya) niya dati kaya talagang malakas ang loob namin. Noong una, hirap kami sa pagkuha ng kulay na gusto namin. Medyo madami din kaming nasayang na pintura dahil doon.

Nakakatuwa! Ang sarap ng pakiramdam na nakikita mo unti-unti yung pinaghihirapan mo. Panaka-naka lang ang paggawa namin kasi nga may trabaho kami ng kapatid ko pero sabi ng tatay ko, mabilis daw kami at masinop kahit na mga “bagito” sa pagpipintura. Sa aming tatlo, pinaka-pagod palagi yung kapatid ko kasi siya yung umaakyat para maabot yung itaas na bahagi ng dingding; yung mga kumplikadong bahagi na pipinturahan, siya din ang gumagawa. Nung isang araw, inayos din niya yung lababo sa banyo at ikinabit iyong shower. Maski si Tricia, may sarili ding paint brush (wala lang ngang pintura syempre).

Ilang araw na lang, malapit nang matapos itong project namin. Nagpatulong na kami sa electrical at carpentry; linis na lang talaga at pwede nang tirhan iyong bahay. Masaya kami kasi kami halos lahat ang nag-isip kung ano ang magandang gawin sa buong bahay. Nakakataba din ng puso na may isa na kaming papuri na natanggap sa paghihirap namin.

Nagbibiruan nga kami na kapag dumating iyong panahon na mawalan na kami ng trabaho, pwedeng-pwede na kaming mangontrata ng painting jobs! Pwede din naman naming gawing sideline. Ayos di ba?

Comments (11) »