Archive for January, 2008

Calling, calling!

I wonder if fairy godmothers are true or if I do have one. I sure would love to have one of this…

Photobucket

photo courtesy of: Apple.com

Comments (2) »

Heto na naman kami!

January na naman. As usual, oras na naman ng mga lakaran ng business permit, professional tax, baranggay clearance at kung ano-ano pang mga tax at permit dyan. Mahaba na naman ang pila at siksikan na naman ang mga tao sa mga City Hall. Yung may mga negosyo at mga clinic, alam ko you know what I’m talking about.

I have written a post about this already in my old blog. Last year, I wasn’t spared of the difficulty of getting a business permit for my clinic; same old unreasonable requirements but I just bore it with a shrug. This year though, hindi ko alam kung kaya ko pa din balewalain ito…

Photobucket

Sabi ng assessor dun sa secretary namin na naglalakad ng papers, may medical tourism na daw kasi kaya may Tourism Fee na din. Wala ito last year at sabi nga ng assessor ay this year lang daw ito inumpisahan.

Medical tourism is the act of traveling to other countries to obtain medical, dental, and surgical care.”

Philippine Medical Tourism

“…. services typically include elective procedures as well as complex specialized surgery such as joint replacement (knee/hip) cardiac surgery, dental surgery and cosmetic surgeries”

Wikipedia

Teka lang, the last time I looked, Pediatrics ang nakalagay sa Diploma ko at hindi surgery. Wala din akong accreditation from any international healthcare accreditation body. Hindi din tourist destination iyong location ng clinic ko at malabong maging tourist destination. Napakaliit din ng clinic ko para mag-accomodate ng mga turista na pwedeng pumunta.

Kung meron lang makakapagpaliwanag sa akin kung saan nanggaling at para saan itong Tourism Fee, maaari ko sigurong pag-isipan kung magbabayad ba ako o hindi ng Php 1,000. As it is, walang maayos na paliwanag tungkol sa fee na ito. Malaki-laki ang binabayaran ko palagi sa mga permits kasi may baranggay clearance, garbage tax, fire clearance, etc., at maski iyong paglalagay ng karatula ng clinic may bayad din. Para sa akin unreasonable at inappropriate itong sinisingil na ito sa akin kasi hindi naman ako involved sa medical tourism kaya siguro hindi ako dapat magbayad nito.

Nagtatanong lang naman po ako…

Update:

Nagbabasa kaya ng blog ko ang mga taga City Hall? Nagtanong kasi ulit kanina iyong secretary namin kung para saan iyong Tourism fee… SURPRISE!!! Tinanggal daw nung assessor yung Php1,000. Mabuti naman! Kaya lang, ang laki pa rin talaga ng babayaran ko this year.

Comments (8) »