Heto na naman kami!

January na naman. As usual, oras na naman ng mga lakaran ng business permit, professional tax, baranggay clearance at kung ano-ano pang mga tax at permit dyan. Mahaba na naman ang pila at siksikan na naman ang mga tao sa mga City Hall. Yung may mga negosyo at mga clinic, alam ko you know what I’m talking about.

I have written a post about this already in my old blog. Last year, I wasn’t spared of the difficulty of getting a business permit for my clinic; same old unreasonable requirements but I just bore it with a shrug. This year though, hindi ko alam kung kaya ko pa din balewalain ito…

Photobucket

Sabi ng assessor dun sa secretary namin na naglalakad ng papers, may medical tourism na daw kasi kaya may Tourism Fee na din. Wala ito last year at sabi nga ng assessor ay this year lang daw ito inumpisahan.

Medical tourism is the act of traveling to other countries to obtain medical, dental, and surgical care.”

Philippine Medical Tourism

“…. services typically include elective procedures as well as complex specialized surgery such as joint replacement (knee/hip) cardiac surgery, dental surgery and cosmetic surgeries”

Wikipedia

Teka lang, the last time I looked, Pediatrics ang nakalagay sa Diploma ko at hindi surgery. Wala din akong accreditation from any international healthcare accreditation body. Hindi din tourist destination iyong location ng clinic ko at malabong maging tourist destination. Napakaliit din ng clinic ko para mag-accomodate ng mga turista na pwedeng pumunta.

Kung meron lang makakapagpaliwanag sa akin kung saan nanggaling at para saan itong Tourism Fee, maaari ko sigurong pag-isipan kung magbabayad ba ako o hindi ng Php 1,000. As it is, walang maayos na paliwanag tungkol sa fee na ito. Malaki-laki ang binabayaran ko palagi sa mga permits kasi may baranggay clearance, garbage tax, fire clearance, etc., at maski iyong paglalagay ng karatula ng clinic may bayad din. Para sa akin unreasonable at inappropriate itong sinisingil na ito sa akin kasi hindi naman ako involved sa medical tourism kaya siguro hindi ako dapat magbayad nito.

Nagtatanong lang naman po ako…

Update:

Nagbabasa kaya ng blog ko ang mga taga City Hall? Nagtanong kasi ulit kanina iyong secretary namin kung para saan iyong Tourism fee… SURPRISE!!! Tinanggal daw nung assessor yung Php1,000. Mabuti naman! Kaya lang, ang laki pa rin talaga ng babayaran ko this year.

Advertisements

8 Responses so far »

  1. 1

    kiwipinay said,

    ayan.. nakapasok na ko ulet. LOL

    grabe nga dyan sa atin. dito, para magparehistro ka ng business, minsan ka lang may bayaran at maliit lang. yung pa-rehistro lang ng business name. tas every year, i-renew mo lang yung business name, mga $37 lang. (eh di parang 37pesos lang yun kung titingnan mo). pero sa atin? sus! lahat na ng kababalaghan, ilalagay na kung anu-anong fee! kaya bago kumita negosyo mo, napunta na lahat sa gobyerno. to think na wala ka namang nakikitang improvement. ay anko! naiinis na naman ako!

    doc ganda! tenchu sa dalaw ha? miss you!

  2. 2

    nikki said,

    mam kiwi!!! hindi ko talaga alam kung bakit hindi ka nakakapasok minsan. anyway, ang importante nakapasok ka ngayon. 😉

    naku, buti pa dyan ang mura ng babayaran. dito, taon-taon, tumataas ang binabayaran ko. tama ka, halos lahat ng kita ko talaga napupunta lang sa kanila, nakakapikon na talaga minsan pero wala akong magawa kasi kailangan talaga ng permit.

    salamat din sa pagdalaw at na-miss kong magbasa ng mga kwento mo. hopefully eh makakapag-blog hop na ulit ako ng madalas.

  3. 3

    Dr Emer said,

    napaka-impractical ng mga requirements, ano? wala tayong magagawa. gusto nila lagi kumita ng pera. buti na lang at nagbago ang isip at di ka na siningil. next year, baka palusutan ka ulit. ingat!

  4. 4

    Mahirap nga talaga minsan diyan sa Pinas.

  5. 5

    nikki said,

    Doc Emer, kung ano-ano talaga ang hinihingi nila. I think dito lang naman sa QC kasi yung kaibigan ko sa Manila, wala naman daw mga ganong sinisingil. wala nga lang talaga akong choice kundi mag-comply kasi ako din naman ang huhuliin kapag hindi ako sumunod. sana nga next year palarin ulit ako.

    ingat din po & God bless! salamat sa dalaw.

  6. 6

    nikki said,

    salamat po sa pagdalaw blogoloco. ganon talaga dito sa pilipinas, wala lang talaga kaming magawa.

  7. 7

    Patrice said,

    Hi Nikki! If it makes you feel any better (which I know it won’t), it’s no different here in Florida (I can’t speak for other states). Lahat na yata ng maisip nila na fine/penalty or tax maiisip nila. Buti nga sa atin, hindi required and car insurance. Dito kahit may kotse ka or wala, dapat ma insurance ka. They assume na kahit wala kang kotse, hihiram ka ng kotse sa iba or rental car. Magkano din yun, $1,000 a year. (mura pa yun)…Pera talaga ang nagpapaikot sa mundo ngayon. Tsk, tsk, tsk.

    OFF TOPIC…
    Miss na kita! Hope you are doing well, healthy and happy…

  8. 8

    nikki said,

    hi pat! salamat sa dalaw! naku, at least naman dyan nakikita mo ang pinupuntahan ng mga taxes ninyo samantalang dito hindi namin alam kung saan pumupunta yung mga binabayaran namin.


Comment RSS · TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: