Archive for April, 2009

Deal talaga!

May ongoing seat sale ngayon sa Philippine Airlines dubbed The Real Deal. Totoo nga kaya?

realdealstatic_tcm61-85121

Naka-schedule talaga akong mag-lakwatsa this coming May pero dahil sa nakita ko nga sa newspaper itong promo ng PAL, nag-decide ako na June (umpisa ng travel period ng promo is June 1) na lang umalis. Sayang naman kasi, ang laki ng mura ng pamasahe compared sa regular fare. Ang catch nitong promo, simula ngayon hanggang bukas lang ang selling period. Nag-tiyaga akong maghintay ng alas dose ng madaling araw para kako mauna ako at nang makapag-pa book na kaso alas tres na ng hapon, hindi pa din ako nakakapag-pa book! Ang galing noh? 15 hours na akong pabalik-balik sa website ng PAL pero hindi pa din ako pinalad. Hmm… madami sigurong naengganyo sa promo kaya overloaded ang system nila. Akala ko kanina, okay na ang online booking ko kaso wala naman akong natanggap na transaction receipt, nag-email na ako sa PAL pero hanggang ngayon, syempre, wala pa ding sagot. Nagtanong na lang tuloy ako sa aking credit card company, wala daw na-credit na transaction yung card ko sa PAL so ibig sabihin, talagang hindi pa din ako booked.

Isa pa, yung babayaran ko, may additional na taxes pa, pwera na doon yung Philippine travel tax so hindi talaga ito all-in. Pwede na din kasi mas mura pa din talaga kesa nga sa regular fare. Ang problema, ang hirap mag-book!!!!

Sana kung gagayahin ng PAL ang Cebu Pacific, siguraduhin naman nila na kaya ng system nila yung upsurge ng online traffic. Sabi ng credit card company ko, ang dami na daw nilang calls ngayong araw na ito tungkol sa mga transactions with PAL. Although lately laging late ang mga flights ng Cebu Pacific, hindi naman parusa ang online booking kahit pa ang dami ding nagpapa-book sa kanila. Ganun talaga, kagaya din lang yan ng mga mall sales, kelangan kong mag-tiyaga.

Makapagpa-book na po sana ako, please Lord!

Advertisements

Comments (5) »