Archive for Kodakan

Art work anyone?

Can you guess what this is made of?

Ang galing noh?

* Art work by T. Ruiz (UP)

Comments (4) »

Bagong Hobby?

Opo, may bago po akong pinagkaka-abalahan ngayon….

Ilang araw na din naming binubuno ng kapatid at sister-in-law ko ang paggawa. Gusto kasi naming matapos na. Ang hirap kasing kumuha ng tao na gagawa kaya naisip namin na kung magpipintura lang naman, kaya na namin yon. Saka may alam naman ang kapatid ko sa ganyan dahil iyon ang trabaho (engineer po kasi siya) niya dati kaya talagang malakas ang loob namin. Noong una, hirap kami sa pagkuha ng kulay na gusto namin. Medyo madami din kaming nasayang na pintura dahil doon.

Nakakatuwa! Ang sarap ng pakiramdam na nakikita mo unti-unti yung pinaghihirapan mo. Panaka-naka lang ang paggawa namin kasi nga may trabaho kami ng kapatid ko pero sabi ng tatay ko, mabilis daw kami at masinop kahit na mga “bagito” sa pagpipintura. Sa aming tatlo, pinaka-pagod palagi yung kapatid ko kasi siya yung umaakyat para maabot yung itaas na bahagi ng dingding; yung mga kumplikadong bahagi na pipinturahan, siya din ang gumagawa. Nung isang araw, inayos din niya yung lababo sa banyo at ikinabit iyong shower. Maski si Tricia, may sarili ding paint brush (wala lang ngang pintura syempre).

Ilang araw na lang, malapit nang matapos itong project namin. Nagpatulong na kami sa electrical at carpentry; linis na lang talaga at pwede nang tirhan iyong bahay. Masaya kami kasi kami halos lahat ang nag-isip kung ano ang magandang gawin sa buong bahay. Nakakataba din ng puso na may isa na kaming papuri na natanggap sa paghihirap namin.

Nagbibiruan nga kami na kapag dumating iyong panahon na mawalan na kami ng trabaho, pwedeng-pwede na kaming mangontrata ng painting jobs! Pwede din naman naming gawing sideline. Ayos di ba?

Comments (11) »

Saan ako nung Valentine’s Day?

MYMP
Juris & Chin of MYMP

 

Opo, nanood po ako ng concert ng MYMP nung Feb. 15. Bukod sa Side A, ang MYMP ang pinaka-gusto kong banda. Lahat ng albums nila meron ako. Hindi lang kasi sila magaling kumanta, magaling din sila magsulat ng kanta.

Bago pa kayo magtanong kung sino ang kasama ko… kasama ko po yung dalawang close friends ko sa medical school. Minsan lang kasi kami magkita kaya naisip namin na kami na lang ang mag-date sa Valentine’s day. 😀

Maganda yung concert. Nag-enjoy kami at na-in love. Sana maulit muli…

 

~~~~~~ 0 ~~~~~~

Para sa mga kaibigan kong CHINESE at para na din sa inyong mapapadaan:

 

KUNG HEI FAT CHOI!

 

 

 

Comments (4) »